Ang nobelang “El Filibusterismo” ay inilagda ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal . Inialay ni Rizal ito sa tatlong paring martir, na Kilala nating lahat sa bansag na GOMBURZA – Gomez, Burgos, Zamora.

pnypnyjose rizal el filibusterismo filipino literature

Sinimulan isulat ni Rizal ito sa London, Inglatera noong 1890. Ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas, Belgica. Natapos niya ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891.

Ang El fili ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan.

Ang Mga Tauhan:

Simoun – Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay
Isagani – Ang makatang kasintahan ni Paulita
Basilio – Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
Kabesang Tales – Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle
Tandang Selo – Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo
Ginoong Pasta – Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal
Ben-zayb – Ang mamamahayag sa pahayagan
Placido Penitente – Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan
Padre Camorra – Ang mukhang artilyerong pari
Padre Fernandez – Ang paring Dominikong may malayang paninindigan
Padre Florentino – Ang amain ni Isagani
Don Custodio – Ang kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene – Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
Juanito Pelaez – Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
Makaraig – Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Sandoval – Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Donya Victorina – Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita
Paulita Gomez – Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez
Quiroga – Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
Juli – Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio
Hermana Bali – Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra
Hermana Penchang – Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
Ginoong Leeds – Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
Imuthis – Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds


Related Posts :
Summary “Buod” of Jose Rizal’s Noli Me Tangere
Jose Rizal – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas
Jose Burgos – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas
Graciano Lopez Jaena – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas
Jose P. Laurel – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas