Rafael V. Palma

Talambuhay ni Rafael PalmaSi Rafael V. Palma ay ipinanganak sa Tundo, Maynila noong Oktubre 24, 1874. Ang kanyang mga magulang ay sina Hermogenes Palma at Hilaria Velasquez.

Siya ay nag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nakapagtapos ng kursong abogasya. Siya ay naging bahagi ng La Independencia o Ang Kalayaan, isang malaganap na pahayagan noong panahon ng Kastila.

Noong 1907, si Rafael ay nahalal sa Cavite para sa kauna-unahang Asemblea ng Pilipinas. Siya rin ay naging senador noong 1916 at pagkalipas ng may 6 na taon, siya ay nagretiro sa pulitika.

Siya’y naging pang apat na presidente ng University of the Philippines. Isinulat niya ang talambuhay ni Jose Rizal, ang ating pambansang bayani, inilipat naman ni Justice Roman Ozaeta sa wikang Ingles ito na may titulong “The Pride of the Malay Race.”

Rafael-Palma-Talambuhay-Buod-sa-Tagalog-Bayani-ng-Pilipinas-Filipino-Biography-Photos-Pics

Ipinangalan sa kanya ang isang building sa University of the Philippines sa Diliman Palma Hall). Sa ngayon, ang UP College of Social Sciences and Philosophy ay naroroon sa naturang building. Ang University of Bohol, isang pribadong paaralan sa Tagbilaran City, Bohol, ay ipingalan din sa kanya, bago ito naging Rafael Palma College muna ang pangalang nito noong 1946 hanggang sa napangalanan ito sa University of Bohol. Maraming paaralan sa bansa ang ipinangalan sa kanya, tulad ng Rafael Palma Elementary School na matatagpuan sa Makati at Rafael Palma Elementary School, Zobel Roxas, sa Maynila. Sa kanya din naipangalan ang Barangay Rafael Palma Real Estate Property na nasa Quirino, Cagayan Valley Region.

Ang tinaguriang Tagabunsod ng Pilipinismo ay mapayapang yumao sa gulang na 65 noong Mayo 24, 1939.


Related Posts :
Gregoria de Jesus – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas
Graciano Lopez Jaena – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas
Mariano Gomez – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas
Andres Bonifacio – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas
Jose Burgos – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas