Mariano Gomez

Nabuhay noong 1799 hanggang 1872

Isinilang noong Agosto 2, 1799 sa sta. Cruz Maynila. Bagamat lahing Intsik ang kanyang mga magulang na sina Francisco Gomez at Martina Custodio, dugong Pilipino ang sa kanila ay nananalaytay.

Nagtapos ng Teolohiya sa Pamantasan ng Santo Tomas at naging pari noong Hunyo 2, 1824 sa Parokya ng Bacoor, Cavite. Hindi lamang tumulong sa espiritwal na layunin sa mga mamamayan kundi naging aktibo sa mga gawaing agrikultura at industriyang pantahanan sa bayan ng Cavite. Kaisa siya ng maraming tao sa mga ipinaglalaban nilang karapatan. Dahil rin sa kanyang pagtatanggol sa mga kababayan, pinaghinalaan siya na kasali sa rebolusyonaryo na sumibol sa Cavite.

Mariano-Gomez-Talambuhay-Buod-sa-Tagalog-Bayani-ng-Pilipinas-Filipino-Biography-GomBurZa-Photos-Pics

Kasama sina Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora. Si Padre Gomez ay pinatay sa pamamagitan ng garote noong ika-28 ng Pebrero 1872.


Related Posts :
Jose Burgos – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas
Gregoria de Jesus – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas
Rafael Palma – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas
Andres Bonifacio – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas
Graciano Lopez Jaena – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas