Joseph Estrada

Ikalabintatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Hunyo 30, 1998 – Enero 20, 2001

Mga Personal na Tala sa Buhay

Popular na pangalan: Joseph “Erap” Estrada
Araw ng pagkasilang: Abril 19, 1937
Lugar na sinilangan: Tondo, Maynila
Ama: Engr. Emilio Ejercito
Ina: Maria Marcelo
Maybahay: Dra. Luisa “Loi” Pimentel
Mga Anak: Jinggoy, Jacqueline at Jude

Joseph-Estrada-Talambuhay-Buod-sa-Tagalog-Filipino-bilang-Pangulo-ng-Pilipinas-Photos-Pics

Edukasyon

Elementarya at Mataas na Paaralan

Tondo, Maynila
San Juan, Metro Manila

Kolehiyo

Pamantasan ng Ateneo de Manila
Mapua Institute of Technology, Manila
Doktor ng Humanities, honoris causa, Pamantasan ng Pangasinan, (1990)

Mga Nagawa at Programa

Nang tumigil sa pag-aaral sa kolehiyo sa edad na 21 ay nagsimula bilang aktor sa pelikula noong 1950 at nakagawa ng mahigit sa 120 pelikula.
Ginawaran ng Ten Outstanding Young Men (TOYM) para sa Paglilingkurang Pambayan, iginawad ito ng Philippine Jaycees noong 1972.
Naluklok sa Hall of Fame ng FAMAS matapos makamit ang pinakamataas na karangalan bilang Pinakamahusay na Aktor at Prodyuser ng Pinakamahusay na Pelikula noong 1981 at 1984.
Naging Alkalde ng bayan ng San Juan, Metro Manila sa loob ng 17 taon na sumakop sa panahong 1969-1986.
Nanalo bilang Senador sa pambansang halalan noong 1987.
Pinarangalan bilang isa sa tatlong Pinakamahusay na Senador ng Taon ng Philippine Free Press Magazine noong 1989.
Tagapangulo, Mga Lupon ng Senado sa pagpapaunlad sa Agrikultura, Rural Development at Public Works.
Naging Pangalawang Tagapangulo sa mga Lupon ng Kalusugan, Likas-Yaman at Ekolohiya at Pagplaplano ng Lungsod.
Isa sa mga senador na bumoto upang wakasan ang kasunduang Base Militar ng Pilipinas at Estados Unidos noong 1991.
Pinasikat ang islogang “Erap para sa Mahirap”.
Nahalal na Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1992.
Tagapangulo ng Presidential Anti-Crime Commission.


Related Posts :
Gloria Macapagal Arroyo – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Diosdado Macapagal – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Fidel V. Ramos – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Sergio Osmena – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Elpidio Quirino – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas