Jose Rizal

Isinilang si Jose Rizal noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Anak nina Don Francisco Mercado at Dona Teodoro Alonso, nagmula sa isang kilalang pamilya ng Binan. Naging sawa si Josephine Bracken, isang mestisang Ingles mula sa Hong Kong.

Ginamit ang apelyidong “Rizal” ayon sa kautusan ng kastilang Gobernador Heneral Narciso Claveria y Zaldua na naglayong isapamantayan ang talaan ng mga pangalan a apelyido ng mga Pilipino.

Jose-Rizal-Talambuhay-Buod-sa-Tagalog-Bayani-ng-Pilipinas-Filipino-Biography-National-Hero-Photos-Pics

Edukasyon

Natuto ng alpabeto sa edad na tatlo, nakabasa ng bibliya sa gulang na lima at natuto ng pagbasa, pagsusulat at panimulang saligang Latin mula sa pribadong guro. Ipinagpatuloy ang pag aaral sa ilalim ng isang istriktong guro sa Binan sa gulang na siyam.

Nag aral ng batsiler ng sining sa Ateneo Municipal de Manila, taong 1876 at nakakuha ng markang “sobresaliente”. Kumuha ng kursong medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas at ipininagpatuloy ang degree ng Medisina. Espesyalista sa mata at Pilosopiya sa Unibersidad ng Madrid, Espanya, taong 1885. At nag aral ng pagkadalubhasa sa Paris, Pransya a Heidelberg, Alemanya.

Buhay at Propespyon

Habang nasa Europa, patuloy sa pag tuligsa sa mga kalabisan ng mga kastila sa mga Pilipino at humihingi ng pagbabagong pampulitika sa Pilipinas. Isa sa ginamit niyang paraan ay ang pagsusulat ng nobelang Noli Me Tangere, inilathala sa Berlin noong 1887 at El Filibusterismo na ininprenta sa Ghent, Belgium noong 1891. Ang mga ilan pa sa kanyang isinulat ay ang mga La Indolencia delos Filipinos (Ang Katamaran ng mga Filipino), Estudios Sobre la Lengua Tagala (Mga Pag aaral sa Wikang Tagalog) at Filipinas Dentro de Cien Añ0s (Ang Pilipinas sa loob ng Isang Milenyo).

Nag ambag ng isang artikulo sa La Solidaridad, ang pahayagan ng Kilusang Propaganda, sa ilalim ng mga taguring Dimas Alang at Laong Laan. Itinatag ang La Liga Filipina, isang samahang pansibiko na humihingi ng pagbabago sa Pilipinas noong ika-3 ng Hulyo 1892 sa Kalye Ilaya, Tondo, Maynila.

Ikinulong si Jose Rizal noong ika-7 ng Hulyo 1892 sa Fort Santiago sa bintang na panunulsol at paghihimagsik sa pamahalaang kastila. Ipinatapon sa Dapitan noong ika-15 ng Hulyo 1892 at doon nakilala at umibig sa kanyang asawa na si Josephine Bracken subalit nagsilang ng isang patay na sanggol at pinangalanang Francisco.

Pinabalik sa Cuba kung saan nanilbihang doktor. Dagling pinabalik sa Maynila at piniit sa Fort Santiago noong Agosto 1896. Nilitis noong ika 26 ng Disyembre 1896 sa Hukumang Militar sa Espana. Napatunayang nagkasala ng panunulsol at paghihimagsik sa pamahalaang kastila. Nahatulan ng kamatayan sa pakunwaring paglilitis.

Bago ang isasagawa sa kanyang pagpatay, isinulat niya ang obra maestrong tula, Mi Ultimo Adios (Ang Aking Huling Paalam) sa piitan ng Fort Santiago. Noong ika 30 ng Disyembre 1896 binaril sa Bagumbayan (ngayon ay Rizal Park). Mula sa libingan ng Paco, inilipat ang kanyang labi sa bahay ng kanyang mga kapatid na babaeng sina Josefa at Trinidad. At noong Disyembre taong 1912, inilibing ang unang kinapalooban ng kanyan mga buto at ilang alaala sa kanyang monumento sa Rizal Park.


Related Posts :
Graciano Lopez Jaena – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas
Jose Burgos – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas
Andres Bonifacio – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas
Rafael Palma – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas
Gregoria de Jesus – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas