Jose P. Laurel

Pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas
Oktubre 14, 1943 – Agosto 15, 1945

Jose P. Laurel talambuhayMga Personal na Tala sa Buhay

Araw ng pagkasilang: Marso 9, 1891
Lugar na sinilangan: Tanauan, Batangas
Ama: Sotero Laurel
Ina: Jacoba Garcia
Maybahay: Prudencia Hidalgo
Mga anak: Jose II, Jose III, Sotero Laurel, Natividad, Rosenda, Potenciana,
Mariano, Salvador at Arsenio
Araw ng kamatayan: Nobyembre 6, 1959
Lugar kung saan namatay: Maynila
Sanhi ng kamatayan: Atake sa puso
Edad nang mamatay: 68

Jose-Laurel-Talambuhay-Buod-sa-Tagalog-Filipino-bilang-Pangulo-ng-Pilipinas-Photos-Pics

Edukasyon

Elementarya at Mataas na Paaralan
Mataas na Paaralan ng Tanauan
Colegio de San Juan de Letran
Manila High School
Kolehiyo

Batsilyer ng Abogasya, Pamantasan ng Pilipinas (1915)
Dalubhasa ng Abogasya, Escueta de Derecho (1919)
Doktor ng Abogasyang Sibil, Yale University, United States (1920)
Doktor ng Pilosopya, University of Santo Tomas (1936)
Doktor ng Abogasya, Tokyo Imperial University, Tokyo, Japan (1930)
mga nagawa at mga programa
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

Sa kabila ng pagiging ilustrado at kakayahang lumikas noong Panahon ng Hapon, pinili niyang harapin ang pagsubok na dumating sa bansa.
Inatasan ni Pangulong Manuel L. Quezon na makipagkasundo sa mga Hapones sa layuning mailigtas ang mga kababayan.
Pinaratangang collaborator, taksil sa bayan at maka-Hapon.
Manananggol ng kanyang amang si Sotero Laurel at naging kagawad rin ng Kongreso sa Malolos sa panahon ng himagsikan.
Nagtamo ng pangalawang pinakamataas na marka sa Philippine Bar nang kumuha ng pagsusulit.
Naging propesor nya sa kursong abogasya si U.S. Supreme Court Chief Justice at naging pangulo ng U.S. Howard Taft.
May-akda ng aklat tungkol sa batas, ang Constitutional Law of the Philippines.
Naging pansamantalang Chairman ng Constitutional Convention bago nahalal ang naging pangulo nito na si Claro M. Recto.

Kabilang sa tinaguriang Seven Wise Men na nagsusuri sa ginagawang Saligang Batas.
Naging Pangalawang Kalihim at nang maglaon ay Kalihim ng Panloob noong 1922.
Naging Katulong na Mahistrado, Korte Suprema noong 1936.
Namahayag sa kongreso para sa kapakanan ng interes ng mga Hapon pagbalik galing sa Tokyo Imperial University sa Japan.
Naging Pangulo ng Japanese Sponsored Philippine Republic noong panahon ng pananakop ng Hapon.
Ipinadakip ni Heneral Douglas McArthur sa salang Collaboration kaya ipiniit sa Sugamo Prison malapit sa Tokyo, Japan.
Nilitis kasama ang ilan pang Pilipinong pinaghinalaang nakipagtulungan sa mga Hapon ng isang Hukuman ng Taumbayan nang muling maibalik ang pamahalaang Komonwelt.
Nanguna sa dalawampung kandidato sa pagkasenador sa ilalim ng pamamahala ni Quirino.
Hinirang siya ni Pangulong Magsaysay na pamunuan ang Economic Mission kung saan nabuo ang Laurel-Langley Agreement, isang kasunduang pangkalakalan.
Naging Chancellor ng National Teachers College at nagtatag ng National Economic Development Authority.
Nagtatag ng Lyceum ng Pilipinas sa Intramuros at ng Philippine Banking Corporation.


Related Posts :
Carlos P. Garcia – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Elpidio Quirino – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Manuel Roxas – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Sergio Osmena – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Diosdado Macapagal – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas