Gloria Macapagal Arroyo

Ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Enero 20, 2001 – June 31, 2010

Mga Personal na Tala sa Buhay

Araw ng pagkasilang: Abril 5, 1947
Lugar na sinilangan: San Juan, Rizal
Ama: Diosdado Macapagal, Sr.
Ina: Evangelina Macaraeg
Asawa: Atty. Jose Miguel T. Arroyo
Mga Anak: Juan Miguel, Evangelina Lourdes at Diosdado Ignacio

Gloria-Arroyo-Talambuhay-Buod-sa-Tagalog-Filipino-bilang-Pangulo-ng-Pilipinas-Photos-Pics

Edukasyon

Elementarya at Mataas na Paaralan

Kumbento ng Assumption

Kolehiyo

Bachelor of Science in Commerce, Assumption Convent (1968).
Bachelor of Arts in Economics, Georgetown University, Washington, D.C.
UPSE Fellowship (1970-1971).
Japan Foundation Grant, (1976-1977).
Master of Arts in Econimics, Ateneo de Manila University (1978).
Rockefeller Foundation, Scholarship (1978-1983).
PhD in Economics, Pamantasan ng Pilipinas (1985).
mga nagawa at programaMga Nagawa at Programa

Nagturo sa Maryknoll College (Ngayo’y Miriam College), St. Scholastica College, Ateneo de Manila University at Paaralan ng Ekonomiya ng Pamantasan ng Pilipinas.
Naging Tagapangulo ng Kagawaran ng Ekonomiya ng Kolehiyo ng Assumption (1984-1987).
Naging Tagapangulo at Pangulo, UP Health Maintenance Organization (UPHMO), (1989-1998).
Tagapangasiwang Patnugot, Sentro sa Pagpapaunlad ng Ekonomiya ng Pilipinas (PCED), (1994-1998).
Tagapangulo, UPEcon Foundation, (1994-1998).
Noong 1987, siya naatasan ni Cory bilang Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Siya ay napromote bilang Undersecretary pagkatapos ng dalawang taon.
Tagapangasiwang Patnugot, Lupon ng mga Kasuotan at Tela.
Pangalawang Kalihim at Gobernador, Lupon ng mga Pamumuhunan, (1986).
Nagsimula sa serbisyo publiko nang mahirang na Assistant Secretary ng Department Trade and Industry noong 1989 hanggang 1992.
Nanguna nang kumandidatong Senadora noong 1992 at 1995.
Nanungkulan bilang Secretary ng Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng pamahalaan ni Joseph Estrada.

Tinanghal na Outstanding Senator ng Trade Congress Union ng Pilipinas.
Binigyang taguri ng Asiaweek Magazine bilang “Isa sa Pinakamakapangyarihang Babae sa Asya”.
Pinarangalan din bilang “Woman of the Year” ng Samahan ng mga Katolikong Guro ng Pilipinas.
Inihalal na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong Mayo 11, 1998.
Noong Enero 20, 2001, inihayag ng Kataastaasang Hukuman na bakante ang posisyon ng pagkapangulo. Ang sandatahan at ang pambansang pulisya ay una nang inalis ang suporta para kay Estrada. Noong kinahapunan din nang araw na iyon sa EDSA ay nanumpa si Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ni Punong Hukom Hilario Davide, Jr.
Umani ng batikos ang kanyang pamahalaan sa pagkampi kay Pangulong George Bush ng Estados Unidos nang magdeklara ito ng giyera laban sa bansang Iraq.
Humarap sa isang fiscal crisis ang kanyang pamahalaan makaraan ang patuloy na pagtaas ng langis sa pandaigdigang pamilihan at patuloy na pagbagsak ng ekonomiya.
Sa ilalim ng kanyang panungkulan naganap ang panghu-hostage sa truck driver na si Angelo dela Cruz at accountant na si Robert Tarongoy sa Iraq gayundin ang United Nations volunteer na si Angelito Nayan sa Afghanistan.
Hinarap din ng kanyang administrasyon ang malaking pinsala ng bagyong Uding, Violeta, Winnie at Yoyong na nagdulot ng dagling pagbaha at malawakang pagkasira ng mga pananim at imprastruktura sa maraming lalawigan tulad ng Aurora, Catanduanes, Quezon, Bulacan at Nueva Ecija.


Related Posts :
Diosdado Macapagal – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Joseph Estrada – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Sergio Osmena – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Jose P. Laurel – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Carlos P. Garcia – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas