Ferdinand Marcos

Ikasampung Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Disyembre 30, 1965 – Pebrero 25, 1986

Mga Personal na Tala sa Buhay

Araw ng pagkasilang: Setyembre 11, 1917
Lugar na sinilangan: Sarrat, Ilocos Norte
Ama: Mariano Marcos
Ina: Josefa Edralin
Maybahay: Imelda Romualdez
Mga anak: Maria Imelda, Ferdinand, Jr. at Irene
Araw ng kamatayan: Setyembre 28, 1989
Lugar kung saan namatay: Honolulu, Hawaii
Edad nang mamatay: 72

Ferdinand-Marcos-Talambuhay-Buod-sa-Tagalog-Filipino-bilang-Pangulo-ng-Pilipinas-Photos-Pics

Edukasyon

Elementarya at Mataas na Paaralan

Paaralang Sentral ng Sarrat
Mababang Paaralan ng Shamrock sa Laoag
Mababang Paaralan ng Ermita
Mataas na Paaralan ng Pamantasan ng Pilipinas, (1933).
Kolehiyo

Malayang Sining, Pamantasan ng Pilipinas, (1936).
Batsilyer ng Abogasya, Pamantasan ng Pilipinas.
mga nagawa programaMga Nagawang Programa

Nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa buong pamantasan.
Komandante ng Batalyon, may ranggo na kadete mayor at puno ng koponan ng riple at pistola ng Pamantasan ng Pilipinas.
Nakamit niya ang President Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang Graduation Thesis.
Naakusahang nakipagsabwatan sa pagpatay kay Kinatawan Julio Nalundasan, kalaban sa pulitika ng ama noong 1938.
Naging topnotcher sa bar examinations noong Nobyembre 1939.
Ipinagtanggol ang sarili sa kasong pagpatay sa harap ng Korte Suprema na nagpawalang-sala sa kanya noong Nobyembre 1940.
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakasama sila sa Death March at nakaranas ng hirap at sakit bilang bilanggo ng giyera sa Fort Santiago at Capas, Tarlac.
Naging tenyente rin siya na nangasiwa sa pangangalaga ng impormasyon, ika-21 sangay ng USAFFE.
Tatlong beses nahalal na kongresista ng Ilocos Norte, (1949, 1953 at 1957).
Sa edad na 32, siya ang pinakabatang miyembro ng kapulungang minorya.
Senador (1959), ang kaunaunahang kandidato ng minorya na nanguna sa pagkasenador; pinuno ng kapulungang minorya, pangulo ng senado (1936).
Pangulo ng Republika ng Pilipinas, (Nobyembre 1965).
Pinasikat niya ang islogang “Magiging Dakilang Muli ang Bansang ito”.

Muling nahalal para sa apat na taong panahon (1969); ang kauna-unahang muling nahalal sa kapulungann sa kasaysayan ng Pilipinas.
Nakapagpagawa ng maraming patubig at naipalaganap sa buong bansa ang tinatawag na miracle rice.
Ang pinakamadugong demonstrasyon ay naganap noong Enero 30, 1970 sa Mendiola Bridge.
Sinuspende niya ang Writ of Habeas Corpus noong Agosto 21, 1971 matapos bombahin ang rally ng Liberal Party sa Plaza Miranda.
Ipinatupad ang Batas Militar at sinuspende ang 1935 Konstitusyon (Setyembre 21, 1972).
Iprinoklama niya ang 1973 Konstitusyon na naglalayong palawigin ang kanyang pamamahala hanggang sa pagtatapos ng pag-iral ng Base Militar.
Sa panahon ng Batas Militar ay sumikat ang Bagong Lipunan.
Kauna-unahang Punong Ministro sa balangkas ng pamahalaang uring parliyamentaryo.
Nilagdaan niya ang pagpapawalang bisa ng Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa pamamagitan ng Proklamasyon 2045.
Muling nahalal na pangulo sa anim na taong panahon makaraang magwakas ang Batas Militar.
Tumawag ng isang snap election sa pagkapangulo noong Pebrero 7, 1986 at nanalo kay Cory Aquino sa kabila ng malawakang dayaan at karahasan.
Pinatalsik ng makasaysayang People’s Power noong Pebrero 25, 1986.
Tumakas at napatapon sa Hawaii, U.S.A.
Ibinalik ang bangkay sa Pilipinas noong 1992.


Related Posts :
Diosdado Macapagal – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Elpidio Quirino – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Corazon Aquino – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Joseph Estrada – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Carlos P. Garcia – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas