Emilio Aguinaldo

Unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Hunyo 12, 1898 – Marso 23, 1901

Mga Personal na Tala sa Buhay

Araw ng pagkasilang: Marso 26, 1869
Lugar na sinilangan: Kawit, Cavite
Ama: Carlos Aguinaldo
Ina: Trinidad Famy
Unang maybahay: Hilaria del Rosario
Ikalawang maybahay: Maria Agoncillo
Araw ng kamatayan: Pebrero 6, 1964
Lugar kung saan namatay: Quezon City
Sanhi ng kamatayan: Atake sa puso
Edad nang mamatay: 95

Emilio-Aguinaldo-Talambuhay-Buod-sa-Tagalog-Filipino-bilang-Pangulo-ng-Pilipinas-Photo-Pics

Edukasyon

Elementarya at Mataas na Paaralan

Pambayang Paaralan ng Kawit

Kolehiyo

Ikatlong taon, Colegio de San Juan de Letran

mga nagawa at mga programaTala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

Itinanghal na “Cabeza de Barangay” sa gulang na 17.
•Sa edad na 26 ay nahalal bilang “Capitan Municipal” na ang katumbas ng posisyon ay Gobyernadorcillo.
Sumapi sa samahang Masonry (na kinabibilangan rin ni Jose Rizal, Apolinario Mabini, Juan Luna, Marcelo del Pilar at Graciano Lopez Jaena) sa layuning mapabuti ang kalagayan ng bayan.
Siya ang kusang nagsadya kay Andres Bonifacio upang sumanib sa Katipunan.
Pinuno ng pangkat Magdalo ng Katipunan sa Cavite.
Pinangunahan ang kanyang mga lawal sa pagkakapanalo sa mga labanan ng Kawit, Imus at Binakayan sa Cavite.
Pangulo ng Pamahalaang rebolusyonaryo, Kapulungang Tejeros.
Sumang-ayon sa kasunduan sa “pact of Biak-na-Bato” na nilagdaan nya noong Disyembre 14, 1897 dahil sa paniwalang hindi na mapagtatagumpayan ang digmaan.

Pumayag sa kusang loob na pagkakatapon sa Hongkong kapalit ng bayad-pinsala (sinasabing P 400,000.00) na ginamit nman nya sa pagbili ng mga armas na inilaan sa pagbabalik sa bansa.
Sa pagsiklab ng digmaang Estados Unidos at Espanya noong Abril 1898 ay nakipagkasundo kina Commodore George Dewey ay U.S. Consul Pratt na pagsanibin ang Hukbong Amerikano at Pilipino laban sa mga Kastila.
Nagbalik sa bansa noong Mayo 19, 1898 at iprinoklama ang kasarinlan nito noong Hunyo 12, 1898.
Si Emilio Aguinaldo mismo ang nagdisenyo sa bandila ng Pilipinas na iwinagayway sa balkonahe ng kanyang bahay sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898.
Pinanguluhan ang Pamahalaang Rebolusyunaryo makaraang buuin ang Kongreso sa Malolos at ratipikahin ang kasarinlan at konstitusyon nito noong Enero 21, 1899.
Naglaho ang pangarap ni Emilio Aguinaldo na makapagsarili at mapalaya ang bansa sa kamay ng mga Amerkano nang madakip ni Heneral Frederick Funston at ng mga tauhan nito sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901.
Napilitang manumpa ng Katapatan sa pamahalaang Amerkano noong Abril, 1901.
Nagretiro sa pagiging pangkaraniwang mamamayan makaraang maitatag ang pamahalaang kolonyal ng Amerika.
Tumakbo bilang pangulo sa isang halalang pampanguluhan noong 1935 ngunit natalo siya ni Manuel L. Quezon.
Nagtatag ng Asociacion de los Veteranos de la Revolucion, isang samahan ng mga lumalaban sa mga Kastila at mga Amerikano upang magkamit ng benepisyo.


Related Posts :
Carlos P. Garcia – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Manuel L. Quezon – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Jose P. Laurel – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Ramon Magsaysay – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Sergio Osmena – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas