Corazon Aquino

Ikalabing–isa at Unang Babaing Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Pebrero 26, 1986 – Hunyo 30, 1992

Mga Personal na Tala sa Buhay

Araw ng pagkasilang: Enero 25, 1933
Lugar na sinilangan: Maynila
Ama: Jose Cojuangco
Ina: Demetria Sumulong
Asawa: Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.
Mga anak: Maria, Aurora, Benigno III, Victoria at Kristina
Araw ng kamatayan: Agosto 1, 2009
Lugar kung saan namatay: Makati
Sanhi ng kamatayan: Kanser sa bituka
Edad nang mamatay: 76

Corazon-Aquino-Talambuhay-Buod-sa-Tagalog-Filipino-bilang-Pangulo-ng-Pilipinas-Photos-Pics

Edukasyon

Elementarya at Mataas na Paaralan

St. Scholastica College
Akademya ng Ravenhill sa Philadelphia, Estados Unidos
Kumbentong paaralan ng Notre Dame sa New York
Kolehiyo

Batsilyer ng Sining, Kolehiyo ng Mount Saint Vincent sa New York (1953)
Doctor of Humanities, honoris causa, Kolehiyo ng Mount Saint Vincent, New York; Pamantasan ng Ateneo de Manila at pamantasan ng Xavier sa Pilipinas
Doctor of Humanities, honoris causa, Pamantasan ng Boston, Pamantasan ng Fordham, pamantasan ng Waseda (Tokyo), Pamantasan ng Far Eastern at Pamantasan ng Santo Tomas, Honoris Causa, Kolehiyo ng Stonehill (Masachusetts)
mga nagawa programaMga Nagawang Programa

Matapos makapangalap ng isang milyong signature ang mga kakampi ay saka lang siya napapayag na labanan si Marcos sa Snap Election noong Pebrero 7, 1986.
Iniluklok bilang Pangulo ng Pilipinas noong Pebrero 25, 1986 dahil sa makasaysayang People’s Power na nagpatalsik kay marcos sa posisyon.

Pinanumpa ni Hukom ng Korte Suprema Claudio Teehankee bilang pangulo ng Pilipinas.
Nagpatupad ng rekonsilyasyon at pinalaya ang mga bilanggo ng New People’s Army at Jose Maria Sison ng Communist Party of the Philippines.
Nagpabalik ng pampanguluhang balangkas ng pamahalaan.
Nagdaos ng isang pambansang plebisito upang pagtibayin ng bayan ang mga susog sa Saligang Batas ng 1935 noong Pebrero 2, 1987.
Tinanghal na Babae ng Taon ng Time Magazine.
Ginawaran ng Gawad Eleanor Roosevelt para sa Karapatang Pantao.
Napingasan ang pagtingin ng taumbayan kay Cory dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya ng uhaw sa paghihiganti kay Marcos.
Nagkaroon ng anim na malalaking coup d’ etat na nais magpatalsik sa kanyang pamahalaan na ang pinakamadugo ay naganap noong 1987 at 1989.
Nakaranas ng malaking problema at kalimidad sa panahon niya tulad ng lindol noong Hulyo 16, 1990; bagyong Rufing at pagtaas ng presyo ng langis bunga ng giyera sa Gitnang Silangan at pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991.


Related Posts :
Elpidio Quirino – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Benigno “Noynoy” Aquino III – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Ferdinand Marcos – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Joseph Estrada – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Fidel V. Ramos – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas