Benigno Noynoy Aquino III

Ikalabing-limang Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Hulyo 1, 2010 – Kasalukuyan

Mga Personal na Tala sa Buhay

Araw ng pagkasilang: Pebrero 8, 1960
Lugar na sinilangan: Manila
Ama: Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.
Ina: Corazon S. Cojuangco
Status: Binata
Mga kapatid: Maria Elena “Balsy”, Aurora Corazon “Pinky”, Victoria Eliza “ Viel”
at Kristina Bernadette “Kris”.

Benigno-Noynoy-Aquino-III-Talambuhay-Buod-sa-Tagalog-Filipino-bilang-Pangulo-ng-Pilipinas-Photos-Pics

Edukasyon

Elementarya at Mataas na Paaralan

Ateneo de Manila University

Kolehiyo

Bachelor of Arts in Economics, Ateneo de Manila University, 1981.

Mga Nagawa at Programa

Pagkatapos ng kolehiyo siya ay sumunod sa kanyang pamilya sa Boston, Estados Unidos.
Noong 1983, ilang sandali lamang matapos ang pagpatay sa kanyang ama, si Noynoy ay nagkaroon ng isang maikling panahon ng panungkulan bilang isang miyembro ng Philippine Business for Social Progress.
Mula 1985-1986, siya ay retail sales supervisor at youth promotions Assistant para sa Nike Philippines at naging isang Assistant for Advertising and Promotions din para sa Mondragon Philippines.
Noong 1986, siya ay sumali sa Intra-Strata Assurance Corp. bilang Bise-Presidente ng korporasyon na pag-aari din ng kanilang pamilya.
Siya rin ay naging Bise-Presidente at Ingat Yaman para sa Best Security Agency Corporation (1986-1993) at Executive Assistant para sa pangangasiwa, (1993-1996).
Fields Service Manager para sa Central Azucarera tarlac, (1996-1998).
Inihalal si Aquino sa Kapulungan ng mga Kinatawan noong 1998, na kumakatawan sa 2nd District ng Tarlac. Siya ay nanalong muli sa halalan noong 2001 at 2004 at nagsilbi hanggang 2007.
Si Aquino ay isa sa nangungunang kasapi ng Liberal Party. Siya ang Vice Chaiman ng Partido Liberal mula noong Marso 17, 2006 hanggang sa kasalukuyan. Siya ay dati ng Secretary General ng partido (1999-2002), Bise-Presidente ng Luzon Liberal Party (2002-2004) at ang Secretary General ng partido (2004-16 Marso 2006).
Si Aquino ay kasama rin sa isang pangkat ng Liberal Party na tumututol sa pamahalaan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dahil na rin sa di-umano’y paglabag ng gobyerno sa karapatang-pantao.

Si Aquino ay Deputy Speaker din mula ika-8 ng Nobyembre 2004 hanggang ika-21 ng Pebrero 2006.
Nagtamo si Aquino ng higit sa 14.3 million votes upang maging pang-anim sa 37 na kandidato para sa 12 bakanteng posisyon sa Senado ng halalang iyon. Nagsimula ang kanyang panungkulan noong Hunyo 30, 2007.
Nang mamatay ang dating Pangulong Corazon Aquino, umabot sa rurok ang tawag kay Noynoy para tumakbo sa pagka-pangulo.
Noong Setyembre 9, 2009, 40 na araw matapos ang pagkamatay ng kanyang ina, opisyal na inihayag ni Noynoy ang kanyang plano para sa pagkapngulo sa isang press conference sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, kung saan ay nagsilbi din ang lugar na Presidential Inaugural Site ng kanyang ina noong 1986.
Si Noynoy ay nahalal bilang Presidente ng Republika ng Pilipinas noong Mayo 10, 2010.
Sa kanyang kampanya nangako siyang lilinisin niya ang korapsyon at wawakasan ang kahirapan at aalisin ang mga ilegal na sugal.
Si Benigno Simeon C. Aquino III ay kaisa-isang anak na lalaki ni dating Presidente Corazon Aquino at dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. at siya rin ang kauna-unahang Presidente ng Pilipinas na binata.


Related Posts :
Corazon Aquino – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Fidel V. Ramos – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Ferdinand Marcos – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas
Rafael Palma – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Bayani ng Pilipinas
Manuel L. Quezon – Talambuhay Buod sa Tagalog Filipino Pangulo ng Pilipinas